Pagpapalutang ng ‘doomsday scenarios’ sa eleksyon, tigilan na —Lambino

Pagpapalutang ng ‘doomsday scenarios’ sa eleksyon, tigilan na —Lambino

Kinastigo ni Lakas-Kampi-CMD senatorial candidate Atty. Raul Lambino ang mga kandidato at opisyal ng gobyerno na nagpapalutang ng posibilidad ng military junta na aniya ay imposibleng mangyari kahit pa magkaroon ng aberya sa proseso ng automated elections sa Mayo 10.

Tahasang sinabi ni Lambino na sawang-sawa na ang taumbayan sa pagpapalutang ng diumano’y malawakang dayaan sa eleksyon at aniya’y hindi nakatutulong sa sitwasyon ang mga iresponsableng pahayag ng mga politiko ukol sa kahihinatnan ng halalan.

“The Commission on Elections and our security forces have been working hard for us to have a fraud- and violence-free elections, and I don’t think it’s fair to continue doubting their capabilities,” binigyang diin pa ni Lambino.

“What is even more unfair is to drag the military again in this issue, and to know that the statement came from a former military official makes it more disgusting,” dagdag pa ni Lambino bilang reaksyon sa naunang pahayag ni dating Brigadier General Danilo Lim na nagbabadya umano si Pangulong Arroyo ng isang military junta kapag ipinilit niyang maghirang ng susunod na Supreme Court Chief Justice.

Nauna rito, si Deputy Presidential Spokesperson Charito Planas pa ang nagbabala na possible ang military junta sa oras na mauwi sa failure of elections ang proseso sa Mayo.

Dahil dito, pinayuhan ni Lambino si Planas na bilang tagapagsalita ng Pangulo ay dapat na mas maging maingat sa pagpapalabas ng pahayag lalo pa’t tuwirang sinasakyan at ginagamit ng mga oportunistang politiko ang isyu ng failure of elections.

Si Lim naman anya, bilang dating military general, ay dapat na manguna sa pagtiyak na mapoprotektahan sa politika ang military institution.

Sinabi pa ni Lambino na hindi lingid kay Lim kung paano sinira ng military adventurism ang buhay at career ng mga sundalo na nakilahok sa kudeta laban sa Aquino at Arroyo administrations.

“I think it is a conduct unbecoming of an officer and a gentleman for General Lim to exploit the organization, which he said he loved and served well for several years, for his political ambition,” ayon pa rin kay Lambino. (30)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s