COMELEC- HINIMOK NI LAMBINO NA ITULOY ANG PAGSASAGAWA NG POLL DEMO

COMELEC- HINIMOK NI LAMBINO NA ITULOY
ANG PAGSASAGAWA NG POLL DEMOS

Hindi dapat tantanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagdaraos ng demonstrasyon at pagpapakalat ng impormasyon ukol sa ‘automated poll partikular sa mga kanayunan dahil dito higit na kailangan ng publiko ang mahahalagang kaalaman kaugnay sa bagong sistema ng halalan sa Mayo a diez.

Sinabi ni Lakas-Kampi-CMD senatorial candidate Atty. Raul Lambino na bagamat may inisyatibo na ang Comelec para turuan ang publiko tungkol sa bagong sistema ng pagboto, ay higit na kailangang maiparating sa residente ng malalayong lugar ang impormasyon at kaalaman ukol sa makabagong sistema ng pagboto dahil ngayon lamang maipapaalam sa mga ito ang ukol sa counting machines.

“People living in cities and urban areas certainly know at this point what to do come election day because of the information drive on television and radio, I don’t think we have the same situation in remote areas because only a few of them have access to the media,” pagbibigay diin ni Lambino.

“We also have to consider that it is in these areas where people are not that receptive to change and modern technology that would even discourage some of them to vote. ”

Dahil dito, hinikayat ni Lambino ang Comelec na ipagpatuloy ang pagdaraos ng mock elections gamit ang makabagong makinarya upang patunayan na mas magiging madali angg pagboto sa ilalim ng automation system kumpara sa lumang mano-manong sistema.

Ipinaliwanag pa ni Lambino na kailangan ang mock elections sa malalayong lugar dahil dito mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng glitches o problema sa automated elections.

Nararapat lamang anyang samantalahin ng Comelec ang nalalabi pang panahon bago ang May 10 elections para maidaos ang mock polls sa mas maraming liblib na lugar sa bansa. (30)

One thought on “COMELEC- HINIMOK NI LAMBINO NA ITULOY ANG PAGSASAGAWA NG POLL DEMO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s