Bello, Lambino hinikayat ang gobyerno na mag-imbita ng mas maraming foreign observers

Bello, Lambino hinikayat ang gobyerno na mag-imbita ng mas maraming foreign observers

Iminungkahi ng dalawang Lakas-Kampi-CMD senatorial candidate sa pamahalaan na mag-imbita ng mas marami pang mga dayuhang election observers para sa halalan sa Mayo 10 dahil tiyak na makakatulong ito para mabura ang mga espekulasyon at takot sa posibilidad ng military junta.

Bagamat hindi naniniwala sina dating Justice Secretary Silvestre “Bebot” Bello III at Atty. Raul Lambino na mangyayari ang failure of elections at military takeover, ang pagdating anya ng mga dayuhang election observers ang pipigil na rin sa mga hinala na may planong panatilihin si Pangulong Arroyo sa pwesto.

Ayon kay Bello, ito ang magiging garantiya na walang basehan at hindi mangyayari ang mga conspiracy theories na pinalulutang ngayon ng mga kritiko ng administrasyon dahil nakabantay ang international community.

Sinabi pa ni Bello, isang peace advocate at human rights lawyer, na sa pamamagitan ng Commission on Elections at Department of Foreign Affairs ay maaaring hingin ang tulong ng mga kalapit na bansa at ng Estados Unidos na mahigpit na kaalyado ng Pilipinas.

Inihayag naman ni Lambino na ang mga foreign election observers ay siyang magmomonitor ng magaganap na halalan bilang kinatawan ng international community.

Tiwala pa si Lambino na magiging epektibo ang ganitong hakbang dahil ang pagkakaroon ng foreign observers ay nasubukan ng epektibo kahit sa pagpigil ng armadong kumprontasyon sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng Muslim sa Mindanao.

“A lot of people are already doubting the outcome of the elections because of the intense politics and irresponsible statements of some government people, I think inviting more foreign observers is worth a try,” sabi ni Lambino. (30)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s